Napag-usapan ng celebrtiy couple na sina Michelle Vito at Enzo Pineda ang tungkol sa pagpapakasal nang sumalang sila sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

Sa latest episode ng naturang talk show noong Biyernes, Hunyo 20, tinanong ni Boy si Michelle kung anong sasabihin niya sakaling magpo-propose si Enzo noong mismong araw na ‘yon.

“Definitely magye-yes ako, Tito Boy. But Enzo knows na ‘pag magpo-propose siya, gusto ko ‘yong kami lang,” sagot ni Michelle.

Samantala, ayon naman kay Enzo, 5 to 10 years from now ay nakikita niya ang sarili na kasal na kay Michelle at may anak na. 

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

“5 to 10 years from now, syempre kasal na tayo no’n. And of course I want to have children of our own. Depende sa ‘yo kung ilan ang gusto mong dami,” saad ni Enzo.

Dagdag pa niya: “Pero ako, nakikita ko around 3 to 4 kids would be perfect. And nakikita ko hindi tayo sa Manila tumitira. Kumbaga sa probinsya where mas tahimik ang buhay, mas less populated, less pollution as well.”

Napahanga naman si Boy sa naging sagot ni Enzo dahil tila alam na alam nito ang mga gusto nito sa buhay.

Matatandaang inamin ni Enzo ang relasyon niya kay Michelle noong 2020 sa pamamagitan ng isang social media post. Hindi naman napigilan ng mga netizen na mapa-sana all sa sweet photos na ibinahagi nila noong 2021.

MAKI-BALITA: Sana all! Enzo Pineda, ‘baby damulag’ ng gf na si Michelle Vito