Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Davao Oriental nitong Linggo ng hapon, Hunyo 23, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Base sa tala ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan bandang 5:33 ng hapon.
Namataan ang epicenter nito 233 kilometro ang layo sa timog-silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental, na may lalim na 86 kilometro.
Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.
Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.
Matatandaang kanina lamang 6:11 ng umaga ay niyanig din ng magnitude 4.4 na lindol ang Governor Generoso, Davao Oriental.