Naglabas ng pahayag ang young singer na si Sheena Palad matapos lumutang ang isyu ng “pamimisikal” niya kamakailan sa ‘TiktoClock’ contestant na si Rica Maer.

Sa Facebook post ni Sheena nitong Sabado, Hunyo 22, inamin niyang lumampas daw siya sa limitasyon niya at nasaktan niya si Rica habang sila ay nagtatanghal sa segment na “Beat My Birit.”

“Beat My Birit is a segment on Tiktoclock described as ‘Bardagulan at Biritan.’ I realized afterward na I went overboard at nasaktan ko po si Rica,” saad ni Sheena.

Tsika at Intriga

Sheena Palad, binatikos matapos ‘mamisikal’ ng contestant

“Nag sorry po ako kaagad kay Rica after our segment at hanggang sa kinagabihan po nang araw na yon hiningi ko po ng tawad sa kanya,” aniya.

Dagdag pa ng young singer: “Maayos po kami ni Rica ngayon at napatawad nya na po ako sa mga pangyayari. Naguusap din po kami and she is assuring me that she is okay.”

Gayundin, humingi ng paumanhin si Sheena sa mga netizen na nag-call out at na-offend sa ginawa niya kay Rica sa naturang segment. 

Ayon sa kaniya: “Sana po ay mapatawad n’yo din po ako sa aking ginawa. Nasaktan ko din po kayo kasama na din ang pamilya ni Rica, sa fiance po niya, sa mga kaibigan at mga sumusuporta po sa kanya.”

“Nakipagusap na din po ako sa mga bumubuo ng Tiktoclock at gusto ko din po gamitin ang pagkakataon na ito na humingi ng tawad sa aming mga bosses, sa director, sa mga hosts at staff sa aking actions,” dugtong pa niya.

Samantala, bago pa man ito ay nauna nang naglabas ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng Villasis upang ipakita ang suporta kay Rica at para kondenahin ang ginawa ni Sheena sa kanilang kababayan.