Matapos na matamaan ang ₱698 milyong jackpot prize noong Enero, may nanalo naman ng ₱150 milyon sa pamamagitan ng E-Lotto ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Biyernes, Hunyo 21.

Ayon sa PCSO, napanalunan ng lone bettor ang ₱150,307,791.20 jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na binola nitong Biyernes ng gabi, Hunyo 21.

Nanalo ng ₱698M sa E-lotto tumaya

Matagumpay nitong nahulaan ang winning combination na 08-24-15-44-04-58.

Dagdag pa ng PCSO, tumaya ang lone bettor sa E-Lotto, na siyang ikalawang lucky winner sa naturang platform.

Matatandaang napanalunan ang ₱698 milyong jackpot prize ng Grand Lotto 6/55 noong Enero 17.

BASAHIN: Nanalo ng ₱698M sa E-lotto tumaya

Samantala, wala namang nanalo sa Mega Lotto 6/45 na may jackpot prize na ₱13,264,033.20 at may winning numbers na 41-14-27-20-09-01.

448829961_122205241316009709_7658809634568313023_n.jpg