Marami ang nagulat sa mga ibinahaging larawan ng Viva artist na si Ryza Cenon kung saan makikitang kalbo na siya, malayo sa tipikal na hitsura niya.

Mas lalong namangha ang mga netizen dahil walang daya ito; talaga palang nagpakalbo si Ryza, hindi dahil may dinaramdam siya, kundi dahil kailangan ito sa role niya para sa horror movie na "Lilim" sa direksyon ni Mikhail Red.

Walang kiyemeng nagpatanggal ng buhok si Ryza upang mas maging epektibo ang kaniyang pagganap sa pelikula.

"LOOK: RYZA CENON boldly shaved off her head in preparation for her role in the upcoming horror film #LILIM!

Pelikula

Joshua Garcia, boboses sa Pinoy-dubbed version ng 'Inside Out 2'

'LILIM' Directed by Mikhail Red, coming soon in cinemas," mababasa sa caption ng Viva Artists Agency (VAA) kung saan ibinahagi nila ang mga larawan ng "kalbong Ryza."

Napa-wow naman ang mga netizen kay Ryza dahil kahit wala raw siyang buhok ay talagang lutang na lutang ang kaniyang taglay na kagandahan. Naging kamukha nga raw niya ang Irish singer-songwriter na si Sinéad O'Connor. Pinuri din nila ang dedikasyon ng aktres sa trabaho, dahil puwede naman daw prosthetics na lang, subalit pumayag daw si Ryza na magpakalbo para sa kaniyang role.

"They said beauty is tested when you take out the hair out of the image. She passed with flying colors!"

"Walang arte..gnyan ang artista"

"Infairness ang ganda parin 🔥🔥🔥 hawig ni Sinéad O'Connor."

"Ang ganda pa rin!"

"Ibig sabihin talagang maganda siya, kasi bagay naman sa kaniya. Congrats, Ryza!"

"Grabe ang dedikasyon, walang pakialam kung umiksi o mawalan ng buhok para sa role. Sabagay hahaba rin naman 'yan."

"beautiful, bagay na bagay sa kaniya! Excited na kaming mapanood ka sa big screen, Ryza!"

Sa kabilang banda, may ilang netizen naman ang tila iba ang pananaw tungkol dito.

"Sorry pero ang babaw lang. Pwede namang mag prosthetic lang. Mas bilib ako sa mga kagaya nila Christian Bale, Anne Hattaway and Joaquin Phoenix sa mga sacrifice nila for their roles."

"Puwede namang props o daya na lang, bakit kailangan pa 'yan."

"Para siguro pasabog kaya tinotoo na lang."

"Mas gusto ko pa rin 'yong may hair siya..."

Kahit na may mga medyo hindi nagustuhan, mas lamang na lamang pa rin ang mga netizen na bet na bet ang new look ni Ryza. Mapapanood ang kabuuan ng kaniyang pagpapakalbo sa kaniyang vlog.