Maraming nagtatanong kung ano na nga ba ang magiging kapalaran ng aktor at dating Hashtag member na si Nikko Natividad sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" matapos daw himukin ng mga galit na netizen at tagasuporta ni Vice Ganda ang direktor at bida nitong si Coco Martin na tanggalin ito.

Sina Vice Ganda at Coco Martin ay BFF, at nag-ugat ang pagpapatanggal kay Nikko nang mag-post ito nang umano'y reaksiyon sa viral na pagsita ni Vice Ganda kay Axel Cruz, ang lalaking searchee sa segment na "EXpecially For You," na biglang nanunggab ng beso sa babaeng searcher na si Christine.

Bagama't binura ni Nikko ang post, sa isa pang social media post ay sinabi ni Nikko na pinaninindigan niya ang kaniyang mga nasabi, at kaya lamang nag-delete ay dahil sa atas ng management, na hindi na niya tinukoy kung sa aling kampo.

Sa June 20 episode ng "Cristy Ferminute," sinabi ni Cristy na mula raw sa reliable source niya mula sa Batang Quiapo na wala umanong sibakang magaganap sa panig ni Coco. Hindi raw nakikinig at nakikialam si Coco sa mga isyu ngayon kaya mananatili pa rin si Nikko sa serye, maliban na lamang kung wala na talaga siyang ganap o eksena rito.

Tsika at Intriga

Jessy niresbakan bashers ng pagsabak ni Luis sa politika

"Isang very very reliable source po mula sa FPJ's Batang Quiapo ang aking nakausap... nalaman ko at dapat kong itawid sa inyo na hinding-hindi raw po makikinig si Coco Martin sa kung ano-anong isyung kumakalat ngayon," ani Cristy.

“Si Nikko Natividad po ay patuloy pa rin nating mapapanood sa Batang Quiapo at ang kaniyang role ay matatapos lamang kapag wala na talaga siyang mga eksena,” pahayag pa ni Cristy.

Magandang balita naman daw ito saad ni Romel, dahil nga sa mga lumutang na espekulasyong baka tanggalin si Nikko sa serye dahil nga malapit sa isa't isa sina Coco Martin at Vice Ganda. Ikinalungkot naman daw ni Cristy ang mga naririnig at nababasa niyang gustong patanggalan ng trabaho si Nikko dahil sa isyu.

MAKI-BALITA: Close sina Vice Ganda, Coco: Nikko, baka raw ‘katapusan’ na sa Batang Quiapo