Wala raw balak na magsama sa iisang bahay nang hindi pa kasal ang celebrity couple na sina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Sa isang episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Hunyo 20, naitanong sa kanila ni Boy ang posibilidad ng pagli-live in.

Hindi naiwasang maitanong ang tungkol sa bagay na ito dahil mag-aanim na taon na rin silang magkarelasyon sa susunod na buwan.

Pero sagot ni Bianca: “Sa ngayon, Tito, especially that we are in our religion as well, it’s not tolerated to live inside one roof nang hindi kayo kasal. And we honor that.”

'Hindi alam ni Ruru:' Pagpapalit ni Bianca ng relihiyon, personal na desisyon

“Because ako rin po, alam ko na I am reserving myself for that person who I know will love me forever. And alam kong si Ruru ‘yon. Alam kong dadating kami do’n,” dugtong pa niya.

Samantala, sa isang bahagi naman ng panayam ay inamin ni Bianca na ang pagpapalit niya ng relihiyon ay isang personal na desisyon.

Pero bago pa man ito ay nauna nang nilinaw ng aktres sa isang panayam noong 2023 na naging instrumento lang daw si Ruru sa pagpapabautismo niya bilang Iglesia Ni Kristo. 

https://balita.net.ph/2023/02/19/bianca-umali-iniintriga-kaya-umanib-ng-inc-para-kay-ruru-madrid/