Inamin ni Kapuso star Bianca Umali na ang paglipat niya sa relihiyon ng jowa niyang si Ruru Madrid ay isang personal na desisyon.

Sa isang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” noong Huwebes, Hunyo 20, sinabi ni Bianca na hindi raw alam ni Ruru at kahit ng pamilya nito plano niyang pagpapabautismo.

“Actually, hindi alam ni Ruru. Hindi po alam ng family niya. It was a personal decision of mine kasi that was my 20th birthday or 21st and then inisip ko, Tito, ano po ba ang isang bagay na puwede kong iregalo sa sarili ko na alam kong hindi mawawala sa ‘kin?” saad ni Bianca.

“Because growing up, Tito Boy, kahit po ‘yung mommy at daddy na mga tao nawala po sa ‘kin eh, and that hurt me very much. And so I thought of that,” wika niya.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Dagdag pa ng Kapuso star: “I felt the calling na siguro ‘yong relasyon ko sa Ama ang kailangan kong iregalo sa ‘kin at ‘yon ‘yong walang kahit na sino ang makakakuha sa akin no’n and so nagpatala po ako.”

Ayon kay Bianca, nalaman na lang daw ni Ruru ang tungkol dito noong araw na malapit na siyang mabautismuhan. 

Matatandaang nauna nang nilinaw ng Kapuso star sa isang panayam noong 2023 na naging instrumento lang daw si Ruru ng paglipat niya ng relihiyon at hindi ito ang mismong dahilan.

MAKI-BALITA: Bianca Umali, iniintriga; kaya umanib ng INC para kay Ruru Madrid?