Ano nga ba ang ibinuking ni Kapuso star Barbie Forteza tungkol sa ka-love team niyang si David Licauco sa isang media conference na ginanap kamakailan?

Sa latest episode ng “Marites University” nitong Biyernes, Hunyo 22, inispluk ni showbiz insider Rose Garcia ang sinabi ni Barbie sa mediacon ng bagong pelikula nila ni David.

Ayon kay Rose: “Tinanong si Barbie: ‘Tinuturuan mo ba si David; kino-coach mo ba siya when it comes to love?’ Sabi ni Barbie: ‘Di n’yo alam na si David, actually, napaka-romantic daw. Hopeless romantic”

“Kasi raw may one time na parang may girl na bet si David. [...] Sinurprise ni David sa South Korea with matching roses. Talagang hindi raw alam no’ng girl,” dugtong pa niya.

Barbie Forteza, nagpapasalamat sa 'FiLay', pero 'BarJak' pa rin

Matatandaang nagsimulang mag-boom ang love team nina David at Barbie nang magkasama sila sa hit fantasy-dramang “Maria Clara at Ibarra” ng GMA Network noong 2023.

Gayunman, sa kabila ng tagumpay ng kanilang love team, mananatil umano ang puso ni Barbie sa jowa niyang si Jak Roberto.