Usap-usapan sa social media ang ibinahaging larawan ni Carlo Aquino sa kaniyang Instagram story kung saan makikitang magkatabi sila ng misis na si Charlie Dizon, at si Charlie naman ay may kargang batang babae.

Dahil likod lamang ng batang babae ang nakita, espekulasyon ng mga netizen na ang nabanggit na batang babae ay anak nina Carlo at ex-partner na si Trina Candaza, na si "Mithi." So, ito na raw ba ang pinakahihintay na pagtatagpo ng anak at kaniyang madrasta?

Photo courtesy: Carlo Aquino (IG) via Fashion Pulis

Iyan ang palagay ng mga netizen sa comment section ng ulat ng "Fashion Pulis" kaugnay rito. Sey ng mga netizen, kung totoong si Mithi nga ang kasama ng mag-asawa, mabuti raw ang puso ni Trina para payagang makilala ng anak ang asawa ng kaniyang ama.

Relasyon at Hiwalayan

Khalil Ramos, Gabbi Garcia engaged na nga ba?

Matatandaan kasing sinabi ni Trina na wala umano siyang natanggap na imbitasyon para kay Mithi na pumunta ito sa naganap na kasal ng dalawa noong Hunyo 9.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"All the mother could do is pray that Mithi will have a loving, accepting stepmom. Mukhang mabait naman itong si Charlie. Put aside the ego, pride and bitterness for the sake of the kid para lumaki sya sa environment na happy lang and chill at di nya maramdaman na neglected sya."

"Grabe naman ang gumawa ng caption. Assuming masyado na 'medyo masakit' sa part ni Trina. As if naman na alam niya ang nararamdaman talaga nung tao. Mga echosera!"

"If this is true, please wag ipilit sa ganiyang sitwasyon. Charlie maybe the wife, but it’s too early para sa ganitong sitwasyon. Carlo, mag-isip ka naman for the sake of your child."

"Mas OK na yan na nakilala na ni Mithi ang asawa ng tatay nya. Mukhang mabait naman si Charlie. At mas OK din kung tita ang itawag sa kanya. And for Charlie, let Carlo and Trina handle their own things especially when it comes to Mithi. Just be a good stepmom to Mithi. I think Trina will appreciate that even more."

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula kina Carlo, Charlie, at Trina kung si Mithi nga ba ang batang babaeng sinasabing karga ni Charlie sa larawan. Bukas ang Balita sa kanilang panig.

MAKI-BALITA: Carlo hindi pinapunta sariling anak sa kasal niya, buking ni Trina