Ang magkaibang paniniwala umano sa relihiyon nina ex-celebrity couple Bea Alonzo at Dominic Roque ang dahilan kung bakit nauwi raw sa hiwalayan ang kanilang relasyon.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Huwebes, Hunyo 20, inispluk ni showbiz insider Ogie Diaz ang naririnig niya umano tungkol kina Bea at Dominic.

Ayon sa mga nasagap umano ni Ogie, totoo raw ang isiniwalat ni Bea kamakailan sa panayam kay GMA showbiz reporter Nelson Canlas na hindi siya ang mismong nakipag-break kay Dominic.

“Kasi ito ‘yong senaryo. So, ang gusto raw ni Dominic ay Christian wedding. Kino-convince nitong si Dominic si Bea na mag-convert sa Christian. According sa mga naririnig ko, si Bea para hindi pa siya convinced,” saad ni Ogie.

Relasyon at Hiwalayan

Pasabog ni Bea sa hiwalayan nila ni Dominic: ‘Hindi ako ang nakipag-break!’

“So, wala pa raw sa kamalayan ni Bea na mag-convert bilang Christian. Ito naman daw si Dominic e sabi parang baka hindi magkatuluyan or baka magkahiwalay sila kung sakali na hindi pumayag si Bea,” wika niya.

Dagdag pa ng showbiz insider: “Lumalabas ay hindi pa panahon para kay Bea daw na magpalit ng relihiyon kaya na-call off nga ‘yong wedding. At si Dominic ay parang hindi makapayag. So, wini-winback niya ngayon si Bea.”

Ang kaso, ayon kay Ogie, tila ayaw na rin umanong ituloy pa ni Bea ang naudlot na kasal. 

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang anomang pahayag o komento sina Bea at Dominic para kumpirmahin ang naturang tsika.