Ipinahayag ni Senador Bong Go ang kaniyang labis na pagmamahal kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, at sinabing “commitment” daw niya na hindi ito pababayaan hanggang kamatayan.

Sinabi ito ni Go nang mag-live siya sa Facebook nitong Huwebes, Hunyo 20, para pabulaanan ang kumakalat sa TikTok na pumanaw na si Duterte.

Ani Go, “commitment” niyang hindi pabayaan ang dating pangulo lalo na raw tungkol sa kalusugan nito.

“Ang commitment ko sa kaniya, lalo na sa kaniyang medical, hinding hindi ko po papabayaan ang ating dating Pangulong Duterte. Hanggang kamatayan po ang aking commitment sa kaniya, at mahal na mahal ko po siya,” saad ng senador.

National

Bong Go, inalmahan kumakalat na patay na si FPRRD: ‘He’s alive and kicking!’

Kaugnay nito, ipinabatid ni Go sa publikong “alive at kicking” si Duterte at “very health” raw ito sa gitna ng kaniyang edad na 79.

Samantala, sa naturang Facebook live ay pinabulaanan din ni Duterte ang naturang kumakalat sa social media at sinabing wala naman daw siyang sakit.

https://balita.net.ph/2024/06/21/ex-pres-duterte-sa-kumakalat-na-pumanaw-na-siya-wala-naman-akong-sakit/