Tila sa ibang bagay nakatutok ngayon ang Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto at hindi sa paghahanap ng lovelife.

Sa ulat ng ABS-CBN News noong Martes, Hunyo 18, sinabi ni Darren na hindi paghahanap ng jowa ang priority niya dahil baka maakusahan na naman daw siyang “user friendly.”

"Parang hindi ko rin naman hinahanap ngayon, parang hindi lang siya priority, kasi baka sabihin na naman ng mga bashers ko, user friendly ako, so ewan ko sa kanila,” saad ni Darren. 

Gayunman, kahit hindi naghahanap ng karelasyon, aminado si Darren na hanggang ngayon ay kaibigan pa rin niya ang mga dati niyang naging jowa.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

"Siyempre po, parte naman ng buhay 'yon, e. Pagdadaan naman natin lahat 'yon from puppy love to more mature relationships,” pahayag ng Kapamilya singer-actor.

“And I am so happy that I am friends with all of them naman ng mga nababangit po and it's all about maturity at the end of the day the relationships you have, with those people and it always takes time,” wika niya. 

Dagdag pa ni Darren: “Hindi naman kailangan right away maging okay kayo so, I appreciate all of them kasi lahat naman sila we all friend rin po.”

Matatandaang sa isang panayam ni Darren sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Abril ay inamin niya na isa si Kyline sa mga naging jowa niya noon na ngayon ay malapit niya ring kaibigan.

MAKI-BALITA; Darren, inamin ang relasyon nila ni Kyline: ‘Naging kami dati’

Bukod kay Kyline, malapit na kaibigan din ni Darren si GMA Sparkle artist Cassy Legaspi na nali-link din sa kaniya.

MAKI-BALITA: Darren Espanto, nag-‘labyu’ na kay Cassy Legaspi, pero ‘friend’ pa rin daw: ‘We’re not rushing…’

MAKI-BALITA: Darren, tinuldukan na ang isyu tungkol sa relasyon nila ni Cassy