Emosyunal na ibinahagi ng aktres na si Teresa Loyzaga ang tungkol sa pagpaparehab niya sa anak niyang si Diego Loyzaga.

Sa latest episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, Hunyo 17, inamin ni Teresa na siya mismo ang nagpasok kay Diego sa rehab.

“Boy, to be honest [...] I did ask him I was going to be speaking about it with his permission, I think the people do not know is I put him to rehab,” saad ni Teresa.

“There was a part of me that died. But I wanted my son to live. So I had to put him to rehab,” aniya.

Tsika at Intriga

Doc Willie tapos na sa 1st round ng chemo: 'Pasensya na wala na 'kong buhok...'

Kaya naman bilang ina, mahirap daw para sa kaniya na gawin ang desisyong iyon para kay Diego lalo na’t noong una ay hindi umano nito naunawaan ang intensyon niya.

Ayon kay Teresa: “‘Cause he wasn’t himself then. We have to understand na ‘yong mga mahal natin sa buhay kapagka nalulong sa droga, kapag kinausap mo sila at binabastos ka nila, hindi sila ‘yon. Gamot ‘yon, e.”

“No’ng nawala lahat ‘yon, bumalik ‘yong anak ko. Then naintindihan niya. And, alam mo, ang tagal naming hindi nagkita. Pero ang hindi rin niya alam is bumibisita ako parati sa kaniya kahit na bawal kaming magkita,” dugtong pa ng aktres.

Matatandaang nauna nang isiniwalat ni Diego ang tungkol sa karanasan niya sa rehab nang kapanayamin siya ni Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga noong Nobyembre 2023.

MAKI-BALITA: Diego Loyzaga, na-rehab: ‘I was such in a dark point in my life’