Naitanong ng co-host ni showbiz insider Ogie Diaz na si Mrena ang tungkol sa umano’y bagong nililigawan ni Kapamilya star Daniel Padilla.

Pero sa latest episode ng “ShowbizUpdates” nitong Lunes, Hunyo 17, hindi makumpirma ni Ogie ang tanong sa kaniya ni Mrena.

“Tanong lang naman ito: totoo ba na ang nililigawan ni Daniel Padilla ay isang rich girl, Kuya, na taga-Batangas?” tanong ni Mrena.

Sagot naman ni Ogie: “Hindi ako ang makakasagot niyan. Dapat si Daniel ‘yan.”

Tsika at Intriga

Heart 'naiyak' dahil sa bagong glam team, anyare?

Gayunman, tila wala namang nakikitang mali si Ogie kung sakali mang may nililigawan na si Daniel dahil single na naman ang aktor.

“Deserved na naman ni DJ. Single na naman siya. Ano naman tayo at sino naman tayo para kumontra? Kahit hindi pa ‘yan taga-Batangas basta ngayon ay single na siya, capable nang manligaw,” saad ng showbiz insider.

Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang pahayag na inilalabas si Daniel para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang tsika.

Matatandaang nasa Batangas ang lokasyon ng negosyong theme park ni Daniel na binuksan noong Mayo.

MAKI-BALITA: Theme park ni Daniel Padilla, hindi sulit puntahan?