“Whether I made him a waiter and or, he responded 'like a gentleman,' is between us."

Nagpaliwanag si First Lady Liza Araneta-Marcos hinggil sa nag-viral na video ng kaniyang naging pag-inom sa wine glass ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Base sa video sa gitna ng ginanap na Vin d’Honneur sa Malacañang para sa Araw ng Kalayaan noong Miyerkules, Hunyo 12, makikita ang pakikihalubilo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr. at asawang si FL Liza sa dumalong foreign dignitaries at national leaders, kabilang sina Escudero at House Speaker Martin Romualdez.

Habang nakikipag-usap si PBBM kay Romualdez, kinuha ni FL Liza ang wine glass ni Escudero at uminom dito.

National

Pag-inom ni FL Liza sa wine glass ni SP Chiz, usap-usapan

Pagkatapos niyang uminom, muling ibinalik ng unang ginang ang wine glass sa pangulo ng Senado saka nakihalubilo sa iba pang guests, habang mapapansin ang pagtawa ni Escudero at inabot ang baso.

Paliwanag naman ni FL Liza sa isang pahayag na ibinahagi ng DZRH News nitong Biyernes, Hunyo 14, ang naturang viral video ay nangyari umano sa gitna ng biruan nila ni Escudero.

"If truth be told, here’s what happened. At 10AM yesterday, after greeting 82 ambassadors and other international organization representatives for over an hour, Bong and I entered the ceremonial hall. And we were ushered to where Chiz and Martin Romualdez were standing,” paliwanag ng unang ginang. 

“When Chiz saw me, he said, 'Wow bilib din ako sa’yo, may energy ka pa after standing and smiling for over an hour.' Sabi niya, 'I’m sure you could use a drink'.”

"I laughed and said, 'You bet.' And so I mischievously got his glass of champagne, took a sip and told him, “Eww hindi naman malamig ang champagne (Your champagne is not cold).' After that, I gave his champagne glass back to him and we both had a good laugh over that. I think the entire exchange took all of 10 seconds," dagdag pa niya.

Samantala, ibinahagi rin ni FL Liza na nakilala na raw niya si Escudero noong nag-aaral pa lamang siya ng abogasya at naging magkaibigan na raw sila simula noon. 

"I’ve known Chiz since my law school days, he studied in UP and I went to Ateneo, we’ve been friends for like, forever,” aniya.

“So whether I made him a waiter and or, he responded 'like a gentleman,' is between us," saad pa ng unang ginang.

Matatandaan namang nitong Huwebes, Hunyo 13, ay nauna nang nagbigay ng reaksyon si Escudero at sinabing naging “maginoo” lamang daw siya sa gitna ng nangyari.

“I consider waiting on a lady (first or otherwise) to be gentlemanly. Maaaring sabihin ng iba na makaluma o parang ‘under’ pero para sa’kin, hindi kailanman magiging makaluma o ‘di uso, ano man ang itawag ng iba, ang pagiging maginoo at pakikipag-kapwa tao,” pahayag ng pangulo ng Senado.

https://balita.net.ph/2024/06/13/sp-chiz-nagsalita-na-sa-viral-na-pag-inom-ni-fl-liza-sa-wine-glass-niya/