Viral ngayon sa social media ang video ng naging pag-inom ni First Lady Liza Araneta-Marcos sa wine glass ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa ginanap na Vin d’Honneur sa Malacañang  para sa Araw ng Kalayan nitong Miyerkules, Hunyo 12.

Makikita sa video ang pakikihalubilo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Jr. at asawang si FL Liza sa dumalong foreign dignitaries at national leaders, kabilang sina Escudero at House Speaker Martin Romualdez.

Habang nakikipag-usap si PBBM kay Romualdez, kinuha ni FL Liza ang wine glass ni Escudero.

Pagkatapos niyang uminom, muling ibinalik ng unang ginang ang wine glass sa pangulo ng Senado saka nakihalubilo sa iba pang guests, habang mapapansin ang pagtawa ni Escudero at inabot ang baso.

National

Chinese na ayaw sumuko, binaril sarili, patay

Pagkatapos ay mayroon namang nag-abot kay FL Liza ng wine glass.

Samantala, sa kasalukuyan ay viral ngayon sa social media ang naturang clip, kung saan habang sinusulat ang artikulong ito’y trending sa X (dating Twitter) ang “Chiz” na may 2,315 posts at “Senate President” na may 11,700 posts.

Habang sinusulat ito’y wala pa namang pahayag ang Malacañang o ni FL Liza at Escudero hinggil sa nangyari.

Matatandaang nito lamang Mayo 2024 nang maluklok si Escudero bilang pangulo ng Senado matapos mapatalsik sa pwesto si Senador Migz Zubiri.

MAKI-BALITA: Escudero, nanumpa na bilang bagong Senate president

Samantala, sinabi kamakailan ni PBBM na alam niya ang planong palitan ang liderato ng Senado.

“When did I know? The minute…actually it was Senator Chiz the minute he started thinking about it, he already brought it up and he said I think I am going to try to be the SP. ‘What’s my situation and what do you think’,” anang pangulo.