Nagpasalamat si Carlo Aquino sa kaniyang misis na si Charlie Dizon dahil sa pagpayag nito na maging Mrs. Aquino.

Ang pagpapasalamat na ito ay parte ng kaniyang wedding vow no’ng araw na ikinasal sila, Hunyo 9.

Relasyon at Hiwalayan

Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!

Sa inilabas na wedding highlights ng “Notion in Motion” mapapanood ang naturang wedding vow ni Carlo para kay Charlie.

“April [real name ni Charlie], mahal ko. Ngayong araw na ito, gusto kong magpasalamat sa iyo sa tapang mo kasi pumayag kang maging Mrs. Aquino. Nagpapasalamat ako sa nasa itaas dahil hindi Niya ako binigo. Nagdasal ako ng kapayapaan at ‘yun ang ibinigay Niya sa pagkatao mo, mahal.

“Kapag may mga araw na hindi na pantay ang pagmamahal nating dalawa, hindi ko pa rin makakalimutan na mahalin ang pagkatao mo at ingatan ang puso mo. Simula sa araw na ito hindi ka na mag-iisa. Palagi ka nang may kasangga. Nandito lang ako palagi sa likod mo o sa harapan mo at bibigyan ka ng kumpiyansa. Isa kang biyaya sa buhay ko, mahal.”

Ginanap ang kasal ng showbiz personalities sa isang private resort sa Silang, Cavite.