Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang probinsya ng Cagayan nitong Huwebes ng umaga, Hunyo 13, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Sa ulat ng Phivolcs, nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 9:48 ng umaga.

Namataan ang epicenter nito 11 kilometro ang layo sa hilagang-silangan ng Dalupiri Island sa Calayan, Cagayan, na may lalim na 15 kilometro.

Naiulat ang Intensity III sa Calayan, CAGAYAN habang Intensity I naman sa Burgos, ILOCOS NORTE.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes

Wala namang inaasahan ang Phivolcs na posibleng aftershocks ng lindol.

Hindi rin daw inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing pagyanig.