Nakakaloka ang mga kumakalat na balita at social media post ng aktor na si Carlo Aquino patungkol sa dahilan kung bakit pinakasalan niya agad ang girlfriend at ngayon ay asawang si Charlie Dizon.

Umiikot nga sa social media ang isang edited social media post ni Carlo na 18 months nang nagdadalantao ang asawa kaya pinanagutan niya ito ng kasal.

Sa 18 months pa lang ay may hint na ang mga netizen na "fake news" ito dahil hanggang 9 na buwan lang naman ang pagbubuntis ng isang babae.

Makikita ang post sa Facebook page na "Flash Report."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa caption, mababasa ang "SHE'S 18 MONTHS PREGNANT! 👨‍👩‍👦💘

CONGRATULATIONS CARLO AND CHARLIE AQUINO!

Photo courtesy: Flash Report (FB)

Double blessings sina Charlie at Carlo dahil matapos ng kasal may big announcement agad na buntis si Charlie 😍"

Mababasa naman sa kunwa'y post ni Carlo, "To make it clear, yes Charlie is pregnant kaya rush yung pagpa kasal namin. We're expecting our first baby, she's 18 months pregnant."

Pero nilinaw naman ng page sa kanilang hashtags na "satire news" lamang daw ito, pero nakakaloka dahil baka may mga "hindi nagbabasa" o "madaling mapaniwala" na maniwala nga sa nabanggit na post.

"A news you cannot trust. Satire page lamang po ito," mababasa sa profile ng nabanggit na page.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 35k laugh reactions, 17k shares, at 3.6k comments ang nabanggit na post.

Kaya naman, dinogshow na lamang ito ng mga netizen.

"Paglabas ng bata may ngipin na hahahaha."

"Baka paglabas ng anak nila siya na mag-request ng pangalan hahaha."

"Aba mas matindi pala si Charlie kay Camille ng Batang Quiapo!"

"Overdue na masyado hahaha."

"T-Rex yarn? Hahaha."

Naglabas din naman ang page ng "satire news" na kunwari ay sumagot na si Charlie.

Mababasa, "Hindi po totoo ang kumakalat na balita na buntis ako. Sabi pa doon 18 months buntis daw. Tao po ako hindi terix."

Photo courtesy: Flash Report (FB)

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ng "tunay" na Carlo Aquino at Charlie Dizon patungkol sa "satire news" na ito ng nabanggit na page.

Ikinasal sina Carlo at Charlie noong Linggo, Hunyo 9.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!