Sinagot ni Trina Candaza ang mga tanong ng netizen kung bakit wala sa wedding entourage ni Carlo Aquino ang anak nilang si Mithi.

Si Trina ay ex-partner ni Carlo, na nanay naman ng panganay ng aktor na si Mithi, bago pa dumating sa buhay si Charlie Dizon na eventually ay asawa na ngayon, matapos silang maikasal noong Linggo lang, Hunyo 9.

Sa ipinadalang mensahe ni Trina kay Ogie Diaz, sinagot niya ang mga tanong ng netizen kung bakit wala sa kasal ng tatay ang anak nila.

Ayon kay Trina, nasa kaniya nang mga sandaling iyon si Mithi, at wala naman daw ipinaalam sa kaniya si Carlo na imbitado ang anak nila sa kasal, o kaya naman, bahagi ito ng entourage o programa.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Hayun na nga, alam mo ba tinanong ko si Trina. Sabi ni Trina, nasa kaniya raw si Mithi. Baka raw 'yong iba mamisinterpret, na hindi niya pinayagan. Si Carlo daw didn't ask kung puwedeng umattend si Mithi. Pero kay Trina, eh kung nagpaalam lang si Carlo, bakit naman daw hindi. Eh hindi raw nag-reach out sa kaniya," sey ni Ogie.

Sa punto de vista naman ni Ogie, naiintindihan daw niya si Trina kung saan ito nanggagaling, at naiintindihan din niya si Carlo kung bakit hindi nito kinuha ang anak sa kasal.

Marapat lang daw na respetuhin muna kung ano raw ang naging desisyon ni Carlo kung bakit hindi niya inimbitahan ang anak sa kasal nila ni Charlie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Carlo at Charlie tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Anak hinanap sa kasal ng tatay na si Carlo, bakit di raw kasama sa entourage