Marami raw ang napapatanong kung bakit wala sa kasal nina Carlo Aquino at Charlie Dizon ang anak ng una sa ex-partner na si Trina Candaza, na si "Mithi."

Sa panayam ni Ogie Diaz kay Trina, napag-alaman niyang hindi raw talaga kasama sa entourage ang anak, at nang mga sandaling ginaganap ang kasalan, ay nasa poder niya si Mithi.

Marami kasi ang nag-expect na si Mithi ang magsisilbing "flower girl" sa kasal ng sariling tatay, o kahit man lang daw makita ang bata sa seremonya.

"Hayun na nga, alam mo ba tinanong ko si Trina. Sabi ni Trina, nasa kaniya raw si Mithi. Baka raw 'yong iba mamisinterpret, na hindi niya pinayagan. Si Carlo daw didn't ask kung puwedeng umattend si Mithi. Pero kay Trina, eh kung nagpaalam lang si Carlo, bakit naman daw hindi. Eh hindi raw nag-reach out sa kaniya," sey ni Ogie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa punto de vista naman ni Ogie, naiintindihan daw niya si Trina kung saan ito nanggagaling, at naiintindihan din niya si Carlo kung bakit hindi nito kinuha ang anak sa kasal.

Marapat lang daw na respetuhin muna kung ano raw ang naging desisyon ni Carlo kung bakit hindi niya inimbitahan ang anak sa kasal nila ni Charlie.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo nina Carlo at Charlie tungkol sa isyung ito.

MAKI-BALITA: Charlie Dizon, Carlo Aquino ikinasal na!

MAKI-BALITA: Random photo na flinex ni Trina sa araw ng kasal nina Charlie at Carlo, inintriga