Tila nagkaroon ng ideya ang mga netizen kung paano maging ina ang isang gaya ni Kapuso star at socialite Heart Evangelista.

Sa isang Instagram post kasi ni Heart kamakailan, matutunghayan ang isang video kung paano inasikaso ni Heart ang anak ng asawa niyang si Senador Chiz Escudero para sa dadaluhang prom nito.

“Our baby is now lady !:) our darling @yooniverse_c7 Chesi surrounded by her friends and loved ones as she officially goes to her first prom in @michaelleyva_ ⚡️⚡️⚡️” saad ni Heart sa caption ng post.

Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang video. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

Tsika at Intriga

Julie Anne, may gustong ipakapa sa nagsasabing retokada siya

"Awwww she's so blessed to have you as her mom! Not all stepmoms are like that trust me haha"

"Seeing Heart in her mother mode makes my heart warm, I don’t even know why. Nakakahappy lang panoorin ❤️"

"Aww ❤️❤️❤️"

"can we all talk about the music choice oh my gosh you're the best talaga miss Hearty ❤️"

"ur step mom? heart evangelista, big flex period"

"So lovely🔥"

Matatandaang bago pa man dumating si Heart sa buhay ni Chiz ay may unang asawa ang senador na si Christine Elizabeth Flores. Na-annul sila noong 2012 ngunit nagkaroon ng kambal na anak sa katauhan nina Quino at Chesi.

Samantala, apat na beses nang sinusubukan nina Heart at Chiz na magkaroon ng anak ngunit bigo pa rin silang mapagkalooban.

MAKI-BALITA: ‘4th angel’ sana nina Heart at Chiz, nawala ulit