Sumagot ang madir ni Sarah Lahbati na si Esther Lahbati sa isang netizen na nag-utos sa kaniyang silipin niya ang Facebook account ng "balae" na si Annabelle Rama.

Sa latest Instagram post kasi ni Esther ay makikita ang komento ng netizen na dapat daw silipin niya ang socmed account ng ina ng estranged husband ng anak.

Ibinahagi ni Esther sa nabanggit na post ang bonding moment ng kanilang pamilya sa Tagaytay.

"Tingnan nyo po yung post ni Ms Annabelle Rama sa facebook oh," himok ng netizen kay Esther.

Tsika at Intriga

Di na ba masarap panoorin? Sarap 'Di Ba, sisibakin na raw sa ere

Tugon naman niya, "[Bakit] no need abala lang sa akin,Thank you."

Photo courtesy: Esther Lahbati (IG)

Sey naman ng mga netizen:

"very classy and well-mannered just like your daughter 🥰"

"Tama mother wag patulan, Magkakasala ka lng pag pinatulan mga masasamang tao dedma po lalo lang maiinis yan si matandang hukluban😊"

"I admire you po for being so positive and always ignoring all this nonsense people!! Sending you so@much love."

"Yung bruha po nagpaparinig po sa facebook na chucky na may initials pong E daw po 😂😂😂 mas kamuka nga nya po yun eh."

Kamakailan lamang kasi ay nagparinig si Annabelle sa tinukoy niyang "Chucky" na gustong makaharap at makalaban ay may pangalang nagsisimula sa letrang E.

MAKI-BALITA: Annabelle Rama, boto kay Barbie ‘Doll’ Imperial para sa anak?