Tila naimbyerna si Comedy Queen Ai Ai Delas Alas sa sitsit na nakarating daw sa kaniya na umano'y isang taga-Star Cinema raw ang nagpapa-down sa lumabas na news article na nakikipag-usap daw siya sa nabanggit na movie outlet ng ABS-CBN tungkol sa posibleng reunion movie ng "Tanging Ina."

Hindi raw maintindihan ni Ai Ai kung bakit daw kailangang ipa-take down ang ulat tungkol dito. Aminadong na-off daw si Ai Ai sa nabalitaang ito.

"May nakarating kasi sa akin na balita na isa raw sa Star Cinema ang gustong ipa-down ‘yong news regarding do’n sa Star Cinema na ‘Tanging Ina’ chuchu.”

“Ako ang dating sa akin, parang na-off ako. Saka parang nagtataka ako, naloloka ako. Bakit parang may pa-down na datingan na gano’n?” aniya.

Pelikula

Sine Sindak 2024, muling maninindak ngayong Oktubre!

"Alangan namang magtanong ako sa Regal, sa Viva, o kaya sa Seiko Films. E, ang Star Cinema naman ang gumawa ng ‘Tanging Ina.' Saka ako naman ang ‘Tanging Ina’ do’n ‘di ba? So anong masama kung magtanong ako? At saka ano namang masama kung mabalita ‘yon? Masama ba ‘yon? 'Di ba nagtatanong lang naman ako. Or baka inassume ko lang ito, na ayaw n’yong ma-associate sa akin? Bakit? Pinagkakitaan n’yo naman ako dati sa Star Cinema, ‘di ba? Masama ba ‘yon? At saka sobrang nakapagtataka. Minamaliit n’yo ako, gano’n? So, tama na. O, edi hindi na. ‘Wag na nating gawin... Iba na lang. Ibang pelikula na lang. O, eh 'di sa inyo na ‘yan!" saad pa ni Ai Ai.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang Star Cinema kaugnay sa mga binitiwang pahayag ni Ai Ai.