Napa-sana all na lang ang Kapamilya star na si Daniel Padilla sa mga may kasamang jowa sa ginanap na “Pagkakaisa” concert ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Davao kamakailan.

Sa isang bahagi ng Facebook live ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, matutunghayang nagbigay muna ng pananalita si Daniel bago niya kantahin ang “Yakap Sa Dilim” ng Orange & Lemons.

“Sinong may mga kasamang nobya ngayong gabi?” tanong ni Daniel.

“Sana all,” sabi pa niya sabay tawa. “Gusto kong yakapin n’yo ang mga nobya n’yo habang umuulan. Napaka-romantic naman.”

Events

Rendon sa pagtakbo ni Diwata: 'Baka akala magluluto, magtitinda lang siya ng pares!'

Matatandaang ibinahagi ni Karla noong Mayo sa pamamagitan ng isang Instagram story ang art card kung saan naroon ang larawan ng kaniyang anak at ang ilang detalye kaugnay sa naturang concert.

MAKI-BALITA: Daniel Padilla, dadalo sa Bagong Pilipinas concert sa Davao

Bukod kay Daniel, kasama rin niyang nagtanghal ang mga sumusunod: Darren Espanto, Kamikazee, Gigi Vibes, at marami pang iba.

MAKI-BALITA: Darren, kasama sa ‘Bagong Pilipinas Pagkakaisa Concert’ sa Tagum City