Sina Charlie Dizon at Romnick Sarmenta ang itinanghal na Best Actress at Best Actor sa naganap na 47th Gawad Urian Awards nitong Sabado, Hunyo 8, sa De La Salle University.
Si Charlie ay ginawaran ng pinakamahusay na aktres para sa pelikulang "Third World Romance" habang si Romnick naman ay sa "About Us but Not About Us."
Best Supporting Actress naman si Golden Globe nominee Dolly De Leon para sa "Duyan ng Magiting" at Best Supporting Actor si Ronnie Lazaro para sa "The Gospel of the Beast."
"Iti Mapukpukaw" naman ang itinanghal na Best Picture ni Carl Joseph E. Papa pero ang "Best Director" ay nakopo ni Dwein Ruedas Baltazar ng Third World Romance.
Ang batikang aktres na si Hilda Koronel ay nakatanggap naman ng "Gawad Urian Award."
Narito ang buong listahan ng mga nagwagi:
Best Sound - Lamberto Casas Jr. at Alex Tomboc (Iti Mapukpukaw)
Best Music - Vincent de Jesus (Third World Romance)
Best Editing - Lawrence Ang (The Gospel of the Beast)
Best Production Design - Eoro Yves Francisco (Third World Romance)
Best Short Film - "Hito" ni Stephen Lopez
Best Animation - Iti Mapukpukaw
Best Documentary - "Baon sa Biyahe” ni James Magnaye
Best Cinematography - Carlo Canlas Mendoza (Gomburza)
Best Screenplay - Jun Robles Lana (About Us But Not About Us)
Best Director - Dwein Ruedas Baltazar (Third World Romance)
Best Supporting Actor - Ronnie Lazaro (The Gospel of the Beast)
Best Supporting Actress - Dolly de Leon (Duyan ng Magiting)
Best Actor - Romnick Sarmenta (About Us but Not About Us)
Best Actress - Charlie Dizon (Third World Romance)
Best Picture - Iti Mapukpukaw
Gawad Urian Award - Hilda Koronel
Ang Urian ay binubuo ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino (MPP) at itinatag noon pang 1977.