Tila makahulugan ang Instagram post ng aktor na si Carlo Aquino patungkol sa kanilang dalawa ng jowang si Charlie Dizon, na nagwaging "Best Actress" sa naganap na 47th Gawad Urian Awards para sa pelikulang "Third World Romance."

Nakakaloka dahil ayon sa ulat ng PEP, may narinig daw silang tila nag-uusap na parang "best wedding gift" para kay Charlie ang pagkapanalo ng award, na ayon pa sa bulung-bulungan, ay ngayong araw ng Linggo, Hunyo 9.

Nang tanungin daw si Charlie tungkol dito, ang sagot daw niya ay "Abangan n'yo po! Ang masasabi ko lang, best gift siya. Kaya thank you, Lord!” nakatawa raw na sagot ng aktres.

Hindi rin nagpabingwit si Charlie sa mga tanong na kung masaya at excited ba siya sa pagdating ng araw ng Linggo at kung bakit umuwi ng Pilipinas ang mga magulang niya mula sa States.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Anyway, mabalik sa Instagram post ni Carlo, mukhang may pahiwatig nga ang larawang ibinahagi niya kung saan makikita ang pagkakahawak-kamay nila habang nasa damuhan at sa likod nila, makikita ang isang anyong-tubig.

"Unti unti natin gagapangin ang buhay ng nakatawa @charliedizon_" saad n Carlo sa caption.

Maraming humuhulang pahiwatig na raw ito na mukhang patungo na nga sa kasalan ang kanilang relasyon.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung totoo ang kumalat na tsikang ikakasal na sila ngayong araw ng Linggo.