"Hala kaboses niya!"

Nagkakaisa ang mga netizen na gayang-gaya ng komedyanteng si Tuesday Vargas ang kontrobersiyal na Municipality of Bamban, Tarlac Mayor na si Alice Guo batay sa kaniyang parody TikTok videos.

Sa TikTok account ni Tuesday ay naka-upload ang ilan sa mga panggagaya niya sa suspendidong alkalde ng Bamban dahil sa kuwestyunable raw nitong citizenship, gayundin ang koneksyon daw nito sa Philippine Offshore Gaming Operator o POGO.

Ginaya ni Tuesday ang ilan sa mga viral TikTok videos ni Mayor Alice gaya ng "Day in a Life" nito at pagbisita sa farm upang tingnan ang mga alagang baboy at poultry.

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

Ginagad din ng komedyante ang ilang eksena sa panayam ng mayor kay ABS-CBN news anchor Karen Davila.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"i thought naka-lip sync hahahahaha."

"alice guo’s long lost sister"

"omigosh i was thinking sino kaboses ni alice guo its so familiar...its you palaaaa😂❤️"

"Kuhang-kuha the looks lalo na ang voice hahahaha."

"Ang galing ni Tuesday, you are the official impersonator hahahaha."

Patok sa netizens ang videos ni Tuesday sa panggagaya kay Alice Guo dahil pumapalo na ang mga ito sa million views.