Nagbigay ng "unofficial statement" si Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Lala Sotto-Antonio kaugnay sa mainit na isyu ng paninita ni Vice Ganda kay "Axel Cruz," lalaking searchee sa segment na "EXpecially For You" ng "It's Showtime," dahil sa walang consent na pagbeso nito sa babaeng searcher na si "Christine."

Sa paghingi ng saloobin ni Ogie Diaz kay Lala Sotto na sinabi naman niya sa Friday episode ng "Ogie Diaz Showbiz Update," sinabi raw ng MTRCB Chair na wala raw siyang nakikitang paglabag o violation sa ginawa ng hosts o ng show.

"I don’t have an official statement. But, in my opinion, the hosts acted appropriately on the given situation,” aniya.

Marami kasi ang nagnanais malaman kung ano ang masasabi ng MTRCB tungkol dito, lalo't noong 2023 ay napatawan ng 12-day suspension ang noontime show dahil sa mga umano'y patong-patong na violations, na naglatang dahil sa "icing incident."

Tsika at Intriga

KaladKaren, ginamit na pangalang 'Jervi Wrightson' sa pagbabalita

MAKI-BALITA: ‘Due process’ ng MTRCB sa suspension ng It’s Showtime, idinetalye

Matatandaang kamakailan lamang ay naibahagi ni Lala Sotto na nagkrus ang mga landas nila ni Vice Ganda sa isang party.

MAKI-BALITA: Lala Sotto, Vice Ganda nagpang-abot sa isang event; nagpansinan ba?