Inamin ng aktres na si Mercedes Cabral na marami na raw nagpapadala ng hate comments at messages sa kaniya dahil sa epektibong pagganap bilang si "Lena," ang "kabetchina" ni Rigor na ginagampanan naman ni John Estrada, sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

Sa panayam ng ABS-CBN News kamakailan kay Mercedes, sinabi niyang may ilang pinepersonal na siya at "Lena" na nga ang tawag sa kaniya, lalo na nang makipisan na ang karakter niya sa bahay ni Rigor kasama ang legal wife na si Marites na ginagampanan naman ni Cherry Pie Picache.

"May mga tao na pine-personal na ako. Hindi na Lena, 'yong tawag sa 'kin or sinasabi, kung 'di Mercedes Cabral na, so ako na mismo tinitira. But mostly sa messages ito," aniya.

May mga nagsasabi pa nga raw na gustong-gusto na siyang sampalin sa personal.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

"Ibig sabihin, nagagawa ko nang maayos 'yong trabaho ko. Nagagawa ko nang maayos 'yong assigned character sa akin. As an actor, it's your job to give life to a character in a story. At kailangan 'yong mga characters na tulad ni Lena sa istorya. Sila kasi nagbibigay ng conflict sa story eh. Although sometimes, naapektuhan ako sa mga sinasabi ng tao, siyempre tao lang din naman ako, iniisip ko na lang na ang importante nagagawa ko nang maayos trabaho ko," paliwanag pa niya.

MAKI-BALITA: Cherry Pie Picache, kinaladkad at ipinahiya si Mercedes Cabral

MAKI-BALITA: Parehong ibinahay! John Estrada pinagsaluhan ng kabet, misis