Sa kabila ng pagkakaroon ng flawless na balat at good-looking na hitsura ay hindi raw pala komportable ang heartthrob actor na si Ian Veneracion nag maghubad on screen.

Sa latest episode kasi ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Biyernes, Hunyo 7, naitanong sa kaniya ni Boy kung conscious ba siya sa kaniyang katawan.

“Not conscious but also super-not-comfortable with showing skin. Like taking my shirt off. I am really not comfortable,” saad ni Ian.

Bukod dito, naibahagi rin ni Ian ang tungkol sa umano’y pahapyaw na indecent proposal na minsan niyang natanggap.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

“Directly, no. Hindi diretso, pahapyaw siguro. Pero directly wala,” sabi ng aktor.

Dagdag pa niya: “Kung sakali man, I would appreciate the honesty. I would say: ‘Thank you for being straightforward but no.’ Kumbaga, I’m not selling that service.”

Samantala, tila nagulat naman si Boy nang matuklasan na wala raw anomang espesyal na sabong ginagamit si Ian para mapanatili ang flawless nitong balat at good-looking na hitsura.

Ayon kay Ian: “Lagi akong pinapagalitan ng wife ko kasi kung ano-anong binibili niya. Kaya lang ilang months na ‘di nababawasan.”

“Kasi nga kung ano ang abutan ko do’n, kung bar soap na pangkamay o kung anong abutan ko, ‘yon ang ginagamit ko,” dugtong pa niya.