Naghayag ng pangungulila ang Kapuso star at socialite na si Heart Evangelista para sa namayapang si dating senador Miriam Defensor-Santiago.

Sa latest ">TikTok post ni Heart nitong Huwebes, Hunyo 6, ibinahagi niya ang video at compilation ng mga larawan nila ni Santiago noong nabubuhay pa ang huli.

“She was my defender, my second mom ♥️ she was my cupid and set me up with my now husband,” saad ni Heart sa caption ng post.

Dagdag pa niya: “I miss you ♥ I wish I could still call you like before. I miss our little trips together 🤍 that reflection on the last pic is there for a reason.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Umani naman ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang naturang post ni Heart. Narito ang ilan sa kanilang mga komento: 

"missing the Best President we never Had 😢 We love you Sen. Miriam Defensor Santiago"

"Imagine kung buhay pa sya tapos sya ang nag interrogate kay Alice Guo, iiyak talaga sya."

"bat kasi di to nag pres sayang talga"

"Miss you late sen Miriam Defensor Santiago 🥺🥺"

"siya Ang huli Kong binoto tapos di na ako bumoto ng presidential after 😅"

"still cant believe she gone, isa sa hinahangaan kong senadora"

Samantala, kamakailan lang ay nanumpa na sa senado si Heart bilang bagong pangulo ng “Senate Spouses Foundation, Inc.” (SSFI).

MAKI-BALITA: Heart, at iba pa nanumpa na sa posisyon sa senado