Tila hindi nagkaroon ng moment ang celebrity couple na sina Arjo Atayde at Main Mendoza matapos silang pagkumpulan ng fans.

Sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Biyernes, matutunghayan ang video clip nina Arjo at Main sa isang beach resort kung saan panay ang pa-picture ng mga tao.

Sey tuloy ni showbiz insider Ogie Diaz: “Alam mo, hindi sila magkaroon ng parang  ‘me time’ o ‘yong ‘private time’ nila.”

“Kasi nga e tingnan n’yo naman, o. Kitang-kita nasa beach silang lahat nagpa-picture. Paano naman makakapag-enjoy ‘yong dalawa?”

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Kapag daw kasi sinupladuhan nina Maine at Arjo ang fans, siguradong puputaktihin sila sa social media at paparatangan at susumbatan ng kung ano-ano.

Pero ayon naman sa co-host ni Ogie na si Mama Loi: “Kung makikita natin sa video, Nay, as much as they could talagang ina-accommodate nila.”

Anyway, tila reyalidad na at mahirap nang iwasan pa ang ganitong klaseng problema sa mga artistang gaya nina Maine at Arjo. 

Pero mas malaking problema pa rin daw syempre kung walang pumapansin sa artista maski nasa pampublikong lugar na.