Nagbigay ng reaksiyon ang “It’s Showtime” host na si Kim Chiu matapos ang sunod-sunod na pahayag ng ex-jowa niyang si Xian Lim tungkol sa kanilang relasyon.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News kay Kim nitong Biyernes, Hunyo 7, sinabi niya na ayaw na raw sana niyang maungkat pa ang anomang nangyari sa nakaraan matapos ang breakup nila ni Xian noong Disyembre 2023.

“Entering 2024, sabi ko talaga I just want a fresh start, new beginning and I don’t want to dwell sa past,” saad ni Kim.

Dagdag pa niya: “Parang 'yong post ko no’ng December sabi ko, this will be the last time na pag-uusapan ko ito. Pero parang ang dami pa rin. Parang hindi naman siya mapag-uusapan kung no one’s lighting the fire.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Kaya naman, umaasa raw si Kim na titigil na si Xian sa pagbibigay ng mga pahayag tungkol sa naging relasyon nilang dalawa.

Ayon kay Kim: “It ended, the journey was beautiful. Ayaw ko nang maging masama 'yung loob ko.”

“Kasi paulit-ulit na lang. Let’s give it a rest and let’s leave respect to each other,” wika pa niya.

Matatandaang nitong Huwebes, Hunyo 6, ay nahayag ng saloobin si Xian kaugnay sa mga maling ipinaparatang sa kaniya ng mga tao.

MAKI-BALITA: Xian Lim sa mga ibinabatong paratang sa kaniya: ‘I do not deserve’