Tila handa raw talikuran ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang karera nito sa politika para sa Queen of All Media na si Kris Aquino.
Sa isang episode ng âCristy Ferminuteâ nitong Huwebes, Hunyo 6, inispluk ni showbiz columnist Cristy Fermin ang sinabi umano ni Leviste.
âSinabi kasi ni VG Mark Leviste na hindi na raw siya makikilahok pa sa politika. At âyon daw maraming oras niya kay Kris, kay Kuya Josh, at kay Bimby,â saad ni Cristy.
Kasunod nitoây tinanong naman niya ang co-host niyang si Romel Chika: âIkaw baây naniniwala?â
âLagi naman nating sinasabi, Nay, kung ano âyong sinabi nila, syempre âyon na lang muna ang ating paniwalaan kasi bukas makalawa, may bago na namang statement. Kung ano man ang lalabas, tutal sila naman ang nakakaramdam ng kaligayahan,â sagot ni Romel.
Matatandaang ilang beses nang napaulat ang umanoây hiwalayan nina Kris at Leviste. Pero noong Enero 2024 ay muling lumutang ang tsika na muli silang nagkabalikan.
MAKI-BALITA: Kris Aquino, Mark Leviste, hiwalay na ulit?
MAKI-BALITA: Kris Aquino at Mark Leviste, ânagkabalikanâ