Dinumog ng reaksiyon mula sa fans ang naging komento ng actor-model na si Daniel Matsunaga sa Instagram post ng Kapamilya star na si Maris Racal kamakailan.

Ibinahagi kasi ni Maris ang ilang mga kuhang larawan habang nakabakasyon sa Japan kasama ang boyfriend na si Rico Blanco.

"when in japan 🇯🇵," caption dito ni Maris.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Lapag naman ni Daniel dito, "Jutei? 😂😂 miss you bataa!! ingat ka lagi!!"

Ang tinutukoy na "Jutei" ay pangalan ng Japanese restaurant na kinainan ng mag-jowa.

Nagwala naman ang fans dahil na-miss nila ang tandem nina Daniel at Maris sa reality show na "Pinoy Big Brother" kung saan nagsimula si Maris bilang regular teen housemate samantalang pumasok naman si Daniel bilang celebrity housemate.

Sey ng mga netizen, na-miss nila ang tandem nina Daniel at Maris, at sana raw ay mabigyan din sila ng oportunidad upang magtambal sa isang proyekto.

"DanRis" pa nga ang tawag sa kanilang tambalan.

"omg Daniel favorite ko kayong dalawa sa pbb before"

"aweeeeaaahhh my DANRIS heart"

"omg my danris"

"danris pa rin!"

"mas nkakamiss kayong dlawa huhu sana mgka movie kayo together"

"Kayo talaga yung favorite ku dati e"

"Hoooy nakakamiss namin kayoooo, namiss ko yung bataaaaa"

"omg!!! This is what im waiting for so loooooong"

Kahit may Rico Blanco na sa kaniyang buhay ay patuloy pa ring kinakikiligan ang tambalan nina Maris at Anthony Jennings bilang "SnoRene" na nabuo sa seryeng "Can't Buy Me Love."