Naghain ang kampo ni Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ng motion for reconsideration with urgent motion to lift preventive suspension sa Office of the Ombudsman nitong Huwebes, Hunyo 6.

Sa kaniyang mosyon na inulat ng Manila Bulletin, sinabi ni Guo, sa pamamagitan ng David & Jamilla Law Offices, na dapat alisin na ang kaniyang suspensyon dahil hindi umano malakas ang ebidensya para sa administrative offenses at iba pang mga paratang laban sa kaniya.

"The evidence against respondent Guo does not rest on substantial evidence considering that the allegations in the complaint have no basis either in fact and in law, based on mere surmises, speculations, opinions, and questionable findings without the required quantum of evidence," nakalagay sa mosyon.

"There is no proof that respondent Guo was motivated by a premeditated, obstinate or deliberate intent of violating the law or any established rule.”

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

"There is neither proof nor concrete evidence that she used her position to benefit herself or another person," dagdag pa.

Matatandaang noong Lunes, Hunyo 3, nang isailalim ng Ombudsman sa ‘preventive suspension’ si Guo, at dalawa pang local officials ng Bamban, sa loob ng anim na buwan dahil sa kanilang diumano’y pagkakasangkot sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Ito ay kasunod ng isinampang reklamo ng katiwalian ng Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa alkalde at iba pang opisyal matapos umano silang hindi tumupad sa kanilang mga tungkulin kaugnay ng pagbibigay ng business permit sa Zun Yuan Technology, Inc. at sa Hongsheng.