Viral ang Facebook post ng isang manunulat at maritime practitioner na si "Lacruiser Relativo" tungkol sa mainit na isyu ng "paninita" ni Vice Ganda kay Axel Cruz, ang lalaking searchee na umano'y nanunggab ng halik sa babaeng searcher na si "Christine," sa segment na "EXpecially For You" ng noontime show na "It's Showtime."

Matatandaang noong Martes, Hunyo 4, binawi ni Vice Ganda ang naunang sinabi sa X (dating Twitter) na hihingi siya ng paumanhin kay Axel, matapos kumalat ang TikTok video ni Christine na nagsasabing wala naman siyang naramdaman talagang pambabastos sa ginawa ng searchee.

MAKI-BALITA: Vice Ganda magso-sorry sa sinitang searchee matapos manunggab ng halik

Subalit matapos daw makausap ng Showtime staff si Christine, inamin daw nitong nailang siya sa ginawa ni Axel, taliwas sa mga sinabi niya sa TikTok video.

Tsika at Intriga

Joshua, Elisse inurirat ng netizens tungkol sa pagmo-MOMOL nila

Paliwanag ni Vice, wala raw mali sa ginawa niyang paninita dahil hindi raw nararapat ang gayong behavior.

MAKI-BALITA: Vice Ganda, binawi ang apology sa searchee na nanunggab ng halik

Umani naman ito ng iba't ibang diskusyunan sa social media.

Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon dito ay si Relativo.

"To Vice Ganda, if you and your company find so much fulfillment by shaming innocent people on national TV, congratulations! You have just earned the highest distinction award in the expense of other people’s peace and reputation," aniya.

"Hindi naman kami killjoy vice. In fact, we are hailed as the happiest people in Asia. Nasa dugo natin ang pagiging masayahin. But as long na may mga taong kailangan mong ipahiya on live TV, walang pwedeng magsaya!"

Dagdag pa niya, "Hindi ito ang una humingi ng sorry si Vice. Pero sorry becomes an empty word, loses its meaning kung walang genuine remorse and usually contradicts with her actions."

Habang isinusulat ang artikulong ito ay umabot na sa 30k reactions, 8.5k shares, at 5.7k comments ang nabanggit na Facebook post.

Wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag ang kampo ni Vice Ganda tungkol sa isyu. Bukas ang Balita para sa kaniyang panig.