Nagbigay ng pahayag si Unkabogable star Vice Ganda kaugnay sa isyu ng lalaking searchee na tila nanunggab ng halik sa searcher sa segment na “EXpecially For You.” 

Bago matapos ang pag-ere ng latest episode ng “It’s Showtime” nitong Martes, Hunyo 4, sinabi ni Vice na binabawi umano niya ang isa niyang tweet na nagsasabing hihingi siya ng paumanhin sa lalaking searchee dahil sa pag-aakalang hindi umano na-offend ang babaeng searcher na sinunggaban nito ng halik.

Ayon kasi kay Vice, muli raw silang nag-usap-usap ng mga crew ng “Showtime,” mula sa mga staff, management, unit heat, producers, host, psychologist, at maging ang mga searchee at searcher na sina Axel at Christine. Pinag-aralan nilang muli ang naturang insidente.

“At dahil po do’n, gusto ko pong sabihin na binabawi ko ’yong tinweet ko na I will say an apology, because I do not need to apologize for what I did. Ito po ang aking paniniwala, at paniniwala din namin na hindi namin kinakailangan mag-apologize because what we did was right,” saad ni Vice.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Base raw sa pahayag ni Christine nang makausap nila, totoo raw itong na-off sa ginawa ni Axel sa kaniya pero hindi nito inamin dahil sa isang dahilan na hindi na rin naman sinabi pa ni Vice.

“At since na-off si Christine, naniniwala ako na hindi mali na kinall-out namin si Axel dahil karapatan ng isang babae na tumanggi o umalma, kung para sa kanya, sa pakiwari niya ay hindi siya komportable sa ikikilos ng sinuman sa harapan niya,” wika ng Unkabogable star.

Dagdag pa niya: ’Yon po ang nakita namin no’ng araw na ’yon. May pag-alma si Christine kaya kinall-out namin dahil obligasyon po rin namin. Dahil imagine, kung may gano’ng pangyayari, na mayro’ng boundary na natapakan pero wala kaming ginawa, iko-call-out din po kami. At bilang main host po nong segment na ’yon, it was my duty to call that action out.”

MAKI-BALITA: Vice Ganda magso-sorry sa sinitang searchee matapos manunggab ng halik