Nagbigay ng payo ang social media personality na si Rendon Labador kung paano magugustuhan ng isang babae ang isang lalaki.

Sa Facebook MyDay kasi ni Rendon nitong Martes, Hunyo 4, ibinahagi niya ang screenshot ng convo nila ng isang netizen na nanghihingi sa kaniya ng advice.

“Kuya Rendon, ano advice n’yo para magustuhan ng babae?” tanong ng netizen.

Sagot ni Rendon: "Padamihin mo 'yong pera mo. Ligaw ka nang ligaw e wala ka namang pera, baka sampalin kita.”

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

“Huwag kang manligaw kung wala kang pera. Ano 'yon? 'Yong babae ang manlilibre sa 'yo? Kapal naman ng mukha mo. Kailangan sarili mo muna,” wika niya.

Dagdag pa niya: “Ang motivation po do'n, sarili mo muna buhayin mo. 'Pag financially stable ka na or may kakayahan kang magdagdag ng responsibilidad, saka ka mambabae.”

Kapag puro pag-ibig lang daw kasi ang pinairal, gutom lang ang aabutin ng dalawang taong involved sa isang relasyon na magiging dahilan pa umano ng hiwalayan.