Halos pakyawin na ni Kapamilya star Andrea Brillantes ang mga bulaklak na paninda ng isang tindero matapos niyang madaanan itong hatinggabi na subalit nagtitinda pa rin.

Sa kaniyang Instagram stories, makikita ang ilang pink roses na bitbit ni Blythe na balak daw niyang ibigay sa staff niya.

"Midnight na pero nagbebenta pa rin si Manong ng flowers so I bought some para makauwi na siya and para may pa 'Just because' flowers ako sa staff," aniya sa text caption ng larawan.

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)

Sa isa pang Instagram story, ibinida ni Andrea ang pamimigay niya ng roses sa staff at pagpapasalamat ng isa sa kanila sa kaniya.

"[Ganyan] talaga pag single, staff na lang ang na-sspoil HAHA," aniya pa.