Nagbigay ng pahayag ang Kapamilya actor na si Gerald Anderson tungkol sa pagkakaospital ng jowa niyang si Julia Barretto kamakailan.

Sa eksklusibong panayam ng ABS-CBN News nitong Lunes, Hunyo 3, sinabi ni Gerald na marami raw proyektong ginagawa si Julia ngayon.

“‘Yon ‘yong duda namin na nagkasakit siya kasi she was shooting a movie or series. Tapos ngayon magsho-shoot siya ulit. 

“So, medyo sunod-sunod ‘yong schedule niya. Nagkasakit siya. But, you know, gano’n talaga. Masipag kasi,” wika niya. 

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dagdag pa ng aktor. “Na-confine siya mga ilang days. Malala rin, malala rin. Pero, you know, she’s a strong person.”

Matatandaang ibinahagi ni Julia ang tungkol sa pagkaospital niya sa pamamagitan ng isang social media post last month. Inintriga pa nga siyang buntis dahil dito.

MAKI-BALITA: ‘What happened?’ Kalusugan ni Julia Barretto, pinangambahan!

MAKI-BALITA: Matapos maospital: Julia Barretto, inintrigang buntis