Tampok si “Pamilya Sagrado” star Grae Fernandez, anak ng aktor na si Mark Anthony Fernandez, sa latest episode ng “Showbiz Updates” nitong Lunes, Hunyo 3.

Sa isang bahagi ng panayam, naitanong ni showbiz insider Ogie Diaz kung nakakaramdam ba si Grae ng kaba sa bago niyang teleserye lalo na nga’t anak siya ng isang artista.

Pero ayon kay Grae: “Ako po, I think  I would say, yes, there’s pressure po. Pero I think ‘yong priority ko po right now is just to be this character.”

“Of course, ang ganda po ng story and ang ganda po ng character ko. Si Justin Sagrado.Number one thing I look for is to really just get the praise of my co-actor and the people I work with,” wika niya.

Teleserye

Kilig sa pagniniig: Alden at Sanya may 'digmaan' daw sa stock room

Dagdag pa ni Grae: “Kapag sila ‘yong nagsabi sa akin na ‘you did a good job’ or ‘you did a hard work’ do’n sa eksena parang do’n po ako na-a-uplift na this craft is so fun because the people you work.

Samantala, sa usapin sa usapin naman ng pag-arte, hinahayaan daw si Grae ng tatay niya na tuklasin ang sarili niyang trademark bilang artista.

Anyway, magsisimula nang mapanood ang “Pamilya Sagrado” sa darating na Hunyo 17, Lunes. Tampok sa naturang serye ang mga baguhan at batikang artistang tulad nina Kyle Echarri, Jeremiah Lisbo, Piolo Pascual, Rosana Rocess, Tirso Cruz III, Mylene Dizon, John Arcilla, at marami pang iba.