Muling magsasagawa ng tatlong araw na tigil-pasada ang transport group na Manibela sa Hunyo 10 hanggang 12.

Ito’y bilang pagtutol sa isinasagawang paghuli sa mga public utility jeepneys (PUJs) na hindi nakapag-consolidate ng prangkisa sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) hanggang noong April 30 deadline.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Bukod sa tigil-pasada, magdaraos din umano ang grupo ng kilos-protesta sa harapan ng tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Matatandaang sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang aprehensiyon sa mga PUJs na binawian ng prangkisa dahil sa kabiguang mag-consolidate.

Ang konsolidasyon ng prangkisa ay unang bahagi ng PUVMP at mahigpit na tinututulan ng ilang transport groups.

Kamakailan ay una naman nang tiniyak ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista na may sapat na jeepney na bumibiyahe sa bansa dahil 80% ng mga PUV operators at drivers ay nakatalima naman sa konsolidasyon.