Nagbigay ng payo ang social media personality na si Xian Gaza para sa mga mag-jowang nais nang lumagay sa tahimik.

Sa kaniyang Facebook post noong Sabado, Hunyo 1, sinabi niyang naniniwala umano siya na ang bawat mag-jowa ay dapat munang mag-live in bago magpakasal.

“[...} Naniniwala ako na makikilala mo lamang ng tunay ang isang tao kung kayo ay titira sa isang bahay. Hindi mo makikilala yung buong pagkatao ng partner mo kung pa-date date lang kayo sa labas,” pahayag ni Xian. 

“So kung ayaw mong masayang sa maling tao ang maraming taon ng iyong buhay kagaya ni Kim Chiu at Kathryn Bernardo, i-live in mo agad. Yung 10 years na sasayangin mo ay magiging few months lang. Wala pang isang taon, break na kayo,” aniya.

Relasyon at Hiwalayan

Mommy ni Gerald Anderson, humihirit na ng apo?

Dagdag pa niya: “Huwag din magpakasal agad kung ayaw magaya kay Richard Guiterrez at Sarah Lahbati.

Hindi dapat minamadali ang kasal kasi hindi naman yan AFam at hindi mo kailangan ng visa.”

Bukod pa rito, sinabi rin niya na huwag munang magpabuntis ang babae para hindi maagang maging single mom. Gumamit ng contraceptives kung kinakailangan.

Sa huli, ginarantiya ni Xian na kapag sinunod ninoman ang payo niya ay tiyak na hindi mapapahamak ang buhay. Pero magkakandaleche-leche naman kapag utos ng simbahan ang sinunod tulad ng "kasal muna bago live-in," "mag-anak agad kasi blessing," "no contraceptives because it's killing," at "no to divorce."