Sinabi ng Unkabogable Star at "It's Showtime" na si Vice Ganda na hihingi siya ng paumanhin sa lalaking searchee na bumeso nang biglaan sa searcher ng isang episode ng "EXpecially For You."

Naglabas kasi ng pahayag ang searcher na hindi naman daw siya nakaramdam na nabastos siya sa ginawa ng searchee.

Sinita kasi ni Vice Ganda ang biglaang pag-beso ng searchee sa kaniya, na aniya ay hindi raw katanggap-tanggap.

Sa kaniyang latest X post, ipinaliwanag ni Vice Ganda na initial reaction lang naman daw niya iyon, sa pag-aakalang hindi naging komportable ang searcher sa ginawa ng searchee.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

"Sorry na mali ang reaction ko. Ang dating kasi sakin at sa ibang andun eh na-off si girl na sinunggaban sya ng halik and i thought na she felt violated. Since hindi naman pala I will apologize to the guy," anang TV host.