Laugh trip ang mga reaksiyon at komento ng netizens sa mga larawan ng social media personality na si "Cong TV" matapos kapanayamin ng ABS-CBN News hinggil sa naganap na "Star Magic All-Star Games 2024."

Naglaban kasi sa basketball game ang koponan niya laban sa koponan ni Star Magic artist Gerald Anderson sa nabanggit na sports-related activity ng Star Magic at ABS-CBN.

Aliw naman ang mga netizen sa reaksiyon at komento nila sa dalawang larawan ni Cong TV na naka-upload sa ulat ng ABS-CBN News.

"yung itsura ni cong parang katatapos lang ng game, umpisa pa lang pala."

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Good luck po sa imbestigasyon."

"Nubayan bakit parang nahulian sya ng kontra bando"

"Parang natimbog sa raid hahaha."

"Parang na-raid naman siya diyan hahahaha."

"Lider ng akyat bahay at bukas kotse gang sa cavite, arestado na."

"Ano pong kaso ni Cong?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Cong TV tungkol sa "pandodogshow" ng mga netizen sa mga larawan niya.