Hindi nakaligtas ang kontrobersiyal na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo sa pagpapatawa ni Unkabogable Star Vice Ganda sa naganap na star-studded 10th year-anniversary concert ni Darren Espanto sa Smart Araneta Coliseum nitong Sabado, Hunyo 1.

Nagkabiruan kasi sina Vice Ganda at Darren patungkol sa kaniyang unkabogable costume na hindi na bago sa kaniya.

Ani Vice Ganda, ganoon daw talaga dahil gusto niyang hindi siya makakalimutan ng mga tao, na kahit si Alice Guo ay hindi siya mawawala sa alaala nito.

"Pag ganitong kalaki ang venue, you have to make sure that you... what you do is very special, extra special, 'yong hitsura mo mismo dapat extra special, kailangan hindi ka forgettable. Kailangan, hindi ka nila puwedeng makalimutan sa ginagawa at hitsura mo pa lang, na kahit si Mayor Alice Guo hindi ka makakalimutan," hirit ni Vice.

Events

Blooms, excited na sa world tour ng BINI sa 2025

"Sa hitsura ko ngayon 'pag sinend ko 'to kay Alice, tingnan ko kung makalimutan niya 'to after 10 years."

"Parang 'di ka niya makakalimutan talaga," puri naman ni Darren. "Hindi niya masasabi 'yong 'Your Honor."

Pangalawang hirit ni Vice, "Pero 'yong mga ganitong hitsura, hindi ito bumabagay sa lahat. Kailangan 'to, inaaral."

Tawang-tawa naman ang mga manonood, kabilang na si Asia's Outstanding Star Kathryn Bernardo, dahil sa paggaya ni Vice Ganda sa dila ng mayora.

"Kathryn, tawang-tawa, Kathryn ha," tingin naman ni Vice Ganda kay Kath.

Matatandaang hindi ito ang unang beses na "ginamit" ni Vice Ganda si Guo sa pagpapatawa.

Kamakailan lamang ay naispatan niya ang isang "It's Showtime" staff na tila kahawig ng mayora.

MAKI-BALITA: ‘Alice Guo’ bumisita sa It’s Showtime, inurirat ni Vice Ganda