Nagbahagi ang talent manager na si Rambo Nuñez ng larawan ng asawa niyang si Maja Salvador matapos nitong isilang ang kanilang first baby.

Sa latest Instagram post ni Rambo nitong Linggo, Hunyo 2, sinabi niya na lalo raw niyang minahal si Maja.

“I never thought I could love you even more @maja ❤️Thank you so much for bringing Maria into our life,” pahayag ni Rambo sa caption ng kaniyang post.

Matatandaang nitong Sabado, Hunyo 1, ay ligtas at tagumpay na naisilang ni Maja ang panganay nilang anak ni Rambo nang ibihagi niya ang picture nito sa kaniyang Instagram account.

MAKI-BALITA: Maja Salvador, nanganak na!

Tsika at Intriga

Andrea Del Rosario, nagbiro sa mga may pic kasama si Bato: 'Lahat kayo for questioning daw!'

Samantala, Disyembre 1 naman noong nakaraang taon nang inanunsiyo nilang mag-asawa na magkakaroon na sila ng anak.

MAKI-BALITA: Maja, Rambo, magkaka-baby na!